WebClick Tracer

Lupit mo Aljur! AJ Raval pinagselosan si Senyora?

Iba talaga ang kamandag ni Aljur Abrenica dahil tila nakabantay sa kanyang Instagram account si AJ Raval!

May bagong post si Aljur kung saan bida ang kanyang simpleng kakisigan habang nakasakay sa sasakyan.

“omw (on my way),” maikli pang caption ni Aljur na mukhang may pupuntahan.


Pero ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay ang naging comment ni AJ sa naturang post ni Aljur.

Napansin kasi ni AJ na naka-like daw agad ang kilalang social media character na si Senyora sa post ni Aljur.

“Naka like ka ka-agad ha (Senyora),” sey ni AJ.

Sa ngayon ay hindi pa confirmed kung mag-on na nga ba sina AJ at Aljur. Pero dati nang sinabi ng aktres na nanliligaw sa kanya ang aktor. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on