WebClick Tracer

Lalaki jinombag ang katrabaho dahil pinakain ng sili ang alagang pusa

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki sa Lipa, Batangas matapos bugbugin ang katrabaho nito.

Sinugod umano ng lalaki ang katrabaho nito matapos malaman na pinakain nito ng sili ang alaga niyang pusa.

Matapos naman ang pambubugbog ay nagtamo ang katrabaho nito ng sugat sa ulo at mukha.

Sa huli, humingi ng tawad ang lalaki sa kaniyang katrabaho at nais na makipagareglo.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on