WebClick Tracer

Kris Lawrence, apektado mental health matapos batikusin ng netizens

Matapos depensehan ang “kabastusan” ng aktres na si Alex Gonzaga sa waiter na pinahiran niya ng icing sa mukha, sinabi ng singer na si Kris Lawrence na naapektuhan ang kanyang mental health dulot ng pambabatikos sa kanya ng netizens.

“It makes me question myself and my achievements in my life. I can see why a weak-minded person would be depressed or commit suicide after bashing,” saad ni Kris sa isang panayam ng PEP.ph.

“I never thought of it naman, but I think people should know that bashing and bullying is a serious thing and people can easily do it in a flash without thinking. People have different perspectives. The intention is the important thing,” dagdag pa niya.

Ikinalungkot din niya umano ang pakikisawsaw ng iba pang kakilala niya sa industriya may kinalaman sa isyu.

“People who I thought were friends from the media are actually feeding off of it. It’s hard kasi I know myself and I never intended harm on anyone, and why are people deciding on what my character is?” ani Kris.

Matatandaang dinipensahan ni Kris ang ginawa ni Alex na matinding binatikos ng netizens.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on