WebClick Tracer

Guro sa Quezon, kinagiliwan sa kanyang costumes habang nagtuturo

Hinahangaan ngayon ang isang guro mula sa Pagbilao, Quezon dahil sa kanyang malikhaing costumes habang nagtuturo sa kanyang mga estudyante.

Kinilala ang guro na si Teacher Michael Ayore Royo, 33 taong gulang.

Ginagaya ng guro si Captain Hook, at minsan ay nagbibihis din bilang chef o reporter na naka-coat and tie.

Yung activity ko po, since galing tayo sa pandemic and the activity is designed also to motivate and encourage participation among our students,” saad ni Teacher Khel.

“It’s also one way to promote the quality of teaching…that we can give to our students,” dagdag pa niya.

Samantala, pinuri naman ito ng Department of Education at kinilala ang kanyang pagiging malikhain sa pagtuturo.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on