WebClick Tracer

Yuka Saso kumakasa sa 1st round ng Tournament of Champions

Sa apat na birdie kontra sa dalawang bogey, sinalpak ni Yuka Saso ng Japan ang two-under par 70 upang kumasa sa pagsalo sa pampito kay Jodi Ewart Shadoff ng England pagsiklab ng $1.5M (P81.6M) 5th Hilton Grand Vacations Tournament of Champions 2023 sa Lake Nona Golf and Country Club sa Orlando, Florida nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Tatlong palong iwan lang sina Fil-Japanese Saso na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.), at Briton kay solo leader Brooke Henderson ng Canada na pasiklab ng anim na birdie laban sa isang bogey lang para maka-67 at one-stroke na bentahe kay home bet Nelly Korda.

Ang torneo ay may $225K top prize at limitado lang sa mga 29 na mga nagkampeon sa huling dalawang taon ng Ladies Professional Golf Association Tour ng United States. Ito rin ang opening ng 35-leg 74th LPGA Tour 2023.

May apat ang magkakabuhol sa tersera na may 69, binubuo nina Brit Charley Hull, Gemma Dryburgh ng Scotland, Ashligh Buhai ng South Africa at Wei-Ling Hsu ng Taiwan.

Pumang-anim dito noong 2022 si Saso nang simulang katawanin na ang Japan. Napasabak siya nang mapanalunan ang 2021 US Women’s Open at ‘Pinas pa dati ang dinadala. (Ramil Cruz)

TELETABLOID

Follow Abante News on