WebClick Tracer

Sibling goals! Ranz, Niana nakatatak na sa Walk of Fame

Ibinahagi ni Ranz Kyle sa social media ang malaking karangalan na natanggap kasama ang kapatid na si Niana at ito ay ang malagay ang pangalan sa Walk of Fame.

Kwento ni Ranz, dati umano ay nadadaan lang sila rito ngunit ngayon ay nakatatak na ang pangalan nila sa Walk of Fame. Pinasalamatan din nito ang mga sumusuporta sa kanila.

“It’s an honor to be included in the 17th walk of fame! 🇵🇭 Back then years ago we were just walking around here lookin at the stars and now we are a part of it! This wouldn’t be possible without yall so thank you so much to all of our supporters! And to German Moreno Foundation”

Ang magkapatid na Ranz at Niana ang isa sa mga pinakasikat na social media personality sa ‘Pinas.

Si German Moreno o ‘Kuya Germs’ ang nagbuo ng Walk of Fame noong 2005.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on