WebClick Tracer

Sey mo Alex? Ermat ni Robi Domingo tumulong sa nasugatang waiter


Ibinahagi ng host na si Robi Domingo sa social media ang naging kaganapan sa kaniyang date kasama ang kaniyang ermat.

Ayon kay Robi, habang sila ay kumakain sa isang restaurant kasama ang ermat ay may hindi inaasahang maliit na sunog na nangyari ngunit mabilis naman itong naagapan at napatay ang sunog.

Ngunit isa sa mga waiter ang tila nasugatan kaya naman nabanggit ni Robi na ang kaniyang ermat ay isang physician at handa itong magbigay ng tulong. Mabilis naman na tumulong ang ermat ng host sa nasabing waiter.

“but one of the waiters/chefs got some minor burns. I told them that just in case, my date is a physician and she can offer her expertise. The manager asked for my mama’s help and she immediately stopped eating her red velvet, rushing to see the injured employee.”

Matapos ang pagtulong ng kaniyang ermat ay napasabi na lang umano siya ng “Mama ko ‘yan.”, nagpasalamat naman ang waiter sa ermat ni Robi.

At dahil usapang waiter ito, hindi nawala sa isip ng mga netizen ang ginawa ng aktres na si Alex Gonzaga sa pamamahid ng cake sa mukha ng isang waiter.

“Nang gamot ng waiter. Hindi nagpahid ng cake!”

“What a timely story to share, Robi. I hope your friend reads this.”

“Buti di nya po pinahidan ng icing ng red velvet yung mga waiter? eh usual naman po ata kayong kumakaim jan, baka close nyo na sila as a joke hehe”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on