Sa mismong birthday ni Toni Gonzaga ngayong January 20 at ilang oras bago ang anniversary concert niya nitong Biyernes sa Araneta Coliseum, nag-trending ang #PaalamToniGonzaga sa Twitter.
Ilang netizens ang nagtaka kung bakit. Mababasa naman sa ilang tweet ang kanya-kanyang emote ng netizens na dati umanong fan ni Toni ngunit ngayon ay hindi na.
@GhieyhanP: “Sayang si Teddy, si Ginny, si Irene at higit sa lahat si Celestine. I was once a fan before.. things get worst.”
@itsaldrinbanks: “HAHAHA nakakatawa yung #PaalamToniGonzaga pero I have said my good byes to her na when she supported yung mga taong nagtanggal ng trabaho sa mga katrabaho niya.”
@Princes18695177: “Talagang mula nong inabandona niya ang abs cbn sa panahong di pa tapos ang big brother, yun pala gusto lang maging endorser ng ninong niyang laki sa yaman ng kaban ng bayan nadismaya ako sa idol kung ito, kaya sorry.”
@AmtullahIzdihar: “Ung peborit ko pa nman kantahin ung belong ni panga kaso ngaun nasusuka n ko kantahin di ko na masikmura kantahin pa..kc kpag kinakanta ko xa naalala ko pagiging panatiko nya kaya #PaalamToniGonzaga.”
@maamhuaa: “My fam used to watch her movies in the cinemas but now, we even avoid all products that she’s advertising.”
@Jem_Kristel: “Idol na idol ko to dati. Naalala ko, first time ko sa sinehan, movie nya ata pinanuod namin ni mama. Sayang. Kung iba lang napangasawa neto, hinahangaan pa siguro sya at ang buong pamilya nya ng nakararami. Sabagay madami pala ang 31M.”
@TimTamTulab2022: “So, #PaalamToniGonzaga was started by former fans. I, too, used to admire her. I wasn’t really a fan but I loved her movies. Kaya lang, ang laki talaga ng ambag nya sa brainwashing ng madla. Mahirap ireconcile for me ang pggng makaDiyos at pagsuporta sa alam nating kriminal.”
May ilang netizen naman ang hindi natuwa sa cancel culture ng ilan.
@rjlabuguen02: “I don’t know what to feel but these Kakampinks never stop cancelling, hating BBM supporters. To be honest, I am a Kakampink, I voted for Mama Leni but, I hate the idea and concept of cancel culture. Wow! 2023 na!! #PaalamToniGonzaga.”
@wroistler: “I do not like Toni Gonzaga too but it’s counterproductive and outright hateful to make trends like #PaalamToniGonzaga It’s unsolicited and unnecessary noise that will help her gain sympathy, increase her relevancy, and prove your hateful nature.” (IS)