Kinuwestiyon ng netizens kung bakit kasama ang aktres na si Dawn Zulueta sa mga delegado ni Pangulong Bongbong Marcos sa Switzerland.
Noong Linggo, Enero 15 dumating sa Switzerland ang Pangulo para dumalo sa World Economic Forum sa Davos.
Ngunit tumaas ang kilay ng netizens sa viral video, kung saan makikitang nakikinig si Dawn sa talumpati ng Pangulo katabi ang asawang si Anton Lagdameo Jr., na isang Special Assistant to the President.
Pinuna ng mga netizen ang aktres sa pagiging bahagi ng delegasyon, na naging isa sa mga top trending topic sa Twitter.
“Anong role sa gobyerno ni Dawn Zulueta at kasama siya Switzerland???” saad ng Twitter user @AltStarMagic.
Anong role sa gobyerno ni Dawn Zulueta at kasama siya Switzerland??? pic.twitter.com/0SSIcYK5YT
— ALTStarMagic 💫 (@AltStarMagic) January 18, 2023
Narito ang iba pang tweet tungkol sa isyu:
“Anong gagagawin ni Dawn Zulueta jan sa Davos? ‘Papatayin sa Sindak si Barbara?!’ Pwede namang sa Davao na lang siya nagmaganda. Nakakaloka talaga kayo.”
“Ano’ng nangyari kay dawn zulueta? feeling imelda? hindi na dapat sumama kung wala naman siyang gagawin sa davos? parang langaw na nakatuntong sa kalabaw. kung tutuusin, hindi rin kailangang isama si special assistant lagdameo. ano ba siya yaya ni junjun?”
“Ano kaya ang mahalagang papel sa pagsama sa Switzerland ng 2 anak ni Asyong at ni Dawn Zulueta? Enlighten me!” (IS)