WebClick Tracer

Jowa ni Pokwang may nilalandi nang iba

Pokwang

May pasabog si Pokwang sa dati niyang jowa na si Lee O’Brian.

Sey ni Pokwang, may nilalandi nang iba si Lee at hindi man lang daw nito nilunok ang pride para sa anak nilang si Malia.

Sinabi ito ng comedienne sa biruan nila ni Kuya Kim Atienza sa Instagram.

Nag-post si Pokwang ng announcement upang ipaalam na isang taon nang sarado ang food business niyang “PokLee”.

“Wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE!” ani Pokwang.

“@mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto yan po ang legit now sa FB at IG po maraming salamat po.”

Nag-comment dito si Kuya Kim at sinabing, “Pa order nga ng #poklee mamang?”

Natawa rito si Pokwang at nag-reply ng maraming laughing at smiling emojis:

“Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!!”

Inilantad ni Pokwang ang paghihiwalay nila ni Lee noong July 2022. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on