WebClick Tracer

Joey de Leon nagpatama: ‘Anong meron ang isang basher… inggit’

Pinuna ni Joey de Leon ang mga taong ginugugol ang oras sa pamba-bash at pambabatikos sa iba sa social media.

Tinanong niya ang common trait ng mga basher.

Ayon sa veteran comedian, bukod sa tapang, mayroon ang mga basher na “inggit”.

“Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira at mamuna ng ibang tao?” ani Joey sa isang Instagram post.

“Ang sagot, halu-haluin ‘yung mga letra ng salitang giting at makukuha n’yo ang salitang inggit… ‘yun ‘yun lang inggit,” dagdag niya. (IS)


TELETABLOID

Follow Abante News on