WebClick Tracer

Chicken pet to chicken nuggets! Manok nag-amok, inulam

Naging chicken nuggets ang isang pet rooster matapos niyang mang-atake ng bata.

Ayon sa report sa New York Post, viral ang Facebook post ni Magan Schmidt.

Maraming netizen naman ang nambatikos kay Magan matapos ipagmalaki ang pagkatay sa kanilang alagang tandang na si “HeiHei” nang atakehin ang anak niyang babae.

Ibinahagi ni Magan ang mga sugat na tinamo ng kanyang anak mula kay “HeiHei”, ang isa ay malapit pa sa mata.

Ipinakita rin ang tandang na wala nang buhay, ginawang chicken nuggets at ipinakain sa bata.

“Well, it finally happened. Our mean ole backyard rooster, HeiHei, attacked the baby child!! We were SO lucky that he didn’t do any more damage than he did. Half an inch, and she would have lost an eye!

“Nevertheless, he got what was coming to him! Mama don’t play when it comes to her babies. HeiHei nuggets for dinner!” ani Magan sa post.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

“The fact that You said ‘it finally happened’ and you let your child be in that vulnerable attack zone makes me question your integrity. I get accidents happen, and animals are wild, but I get the you could of avoided this a long time ago vibe. Nuggets look good but this whole post is just poor taste.”

“‘It finally happened’… so you were anticipating something bad happening yet did nothing to prevent it… ok.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on