WebClick Tracer

Back together na? McCoy, Elisse naispatan sa Tagaytay

Nag-viral ang mga photo nina McCoy de Leon at Elisse Joson na namasyal sa Tagaytay kasama ang baby nilang si Felize.

Nagmula ang photos sa screenshots ng video na ibinahagi sa TikTok ng netizen na si azr.914.

Anang netizen, nagpalitrato siya sa McLisse sa Sky Ranch at ishinare ito noong January 17, 2023.

“Nahiya naman po yung braso ko sa braso po ni Maam Ellise. Sobrang ganda at sexy. Sobrang cutie din ni felize. Sobrang bait po nila. kinausap pa po si baby kahit tulog. Hehe,” ani azr.914.

Mayroon nang 1.6 million views ang naturang TikTok video, kaya maraming fans ng McLisse ang nagtatanong kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa dahil naispatan din sila kamakailan sa Batangas.

Nitong January 2023 mismong si McCoy ang nagsabing hiwalay na sila ni Elisse ngunit wala raw third party na involved. (IS)

@azr.914 @Mccoy De Leon @felizemckenzieee Nahiya naman po yung braso ko sa braso po ni Maam Ellise. Sobrang ganda at sexy. 😍 Sobrang cutie din ni felize. 😍 Sobrang bait po nila. kinausap pa po si baby kahit tulog. Hehe. #ellisejoson #mccoydeleon #felizemckenzie #sweetcouple #happyfamily ♬ Jopay – Mayonnaise

TELETABLOID

Follow Abante News on