WebClick Tracer

Viral! Tindera, kostumer nagbatuhan ng bangus

Viral ngayon ang pag-aaway ng isang fish vendor at kanyang customer sa isang palengke.

Makikita sa video na kuha ng netizen na si Elmer Apostol, ang tindera ng bangus at isang naka-asul na babae na nagbatuhan ng mga panindang bangus.

Nakibato rin ang mga kasama ng naka-asul na babae.

Natigil lamang ang kanilang rambulan nang pumagitna ang isang lalaking security guard.

Hindi pa batid ang dahilan ng kanilang pag-aaway.

Ilang netizen ang nagbansag pa sa pag-aaway na “Flying Bangus Festival”, na nangyari umano sa Dagupan City.

Narito ang reaksyon ng ilang viewers:

“Ung bangus nyo nalipad na.”

“Wala kayung galang sa biyaya ng maykapal dapat po madisiplina kayu.dito sa amin pag ganyan bukas broke na license mu.”

“Kawawa nman yung mga bangus.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on