WebClick Tracer

Tunay na kaibigan! Chito Miranda tinulungan ang bandmate sa Parokya

Walang alinlangan na tumulong si Chito Miranda sa isa sa kaniyang bandmate sa Parokya ni Edgar na si Gab. Ayon kay Chito, bukod sa pagiging bandmate ay matalik din niya itong kaibigan.

“Bestfriend ko si Gab mula 1st year highschool, and sya lang yung palagi kong ka-jamming bago pa naming ma-isipan mag-buo ng banda…at kahit nung naging Parokya na kami, si Gab pa rin yung sinusundan ko whenever we perform live. Gitara yung sinasabayan ko tuwing gig, sa kanya ko kinukuha yung tono, at sa kanya ko din tinatanong kung nasa tono ba ako o wala.”

Ngunit ngayon ay may kinakaharap na matinding pagsubok si Gab.

“Gabriel was diagnosed with lymphoma late last year, and has been undergoing chemotherapy for the past few months.”

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadagdagan pa ang nararamdaman ni Gab at mayroon na rin na pneumonia at inilipat na ito sa ICU.

“Unfortunately, due to complications brought about by his condition, he is now battling pneumonia and was recently transferred sa ICU and has been intubated for more than a week already.”

Upang matulungan ang kaniyang kaibigan naisipan ni Chito na maglunsad ng fundraising gigs.

“Parokya and our friends from music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out…most of which won’t even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong.”

Sa huling parte ng mensahe, sinabi nito na sa kanilang banda ay walang iwanan.

“Walang iwanan sa Parokya Band…sa Parokya ni Edgar.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on