WebClick Tracer

Signing off! Mr. Fu babu muna sa radio industry

Ibinahagi sa social media ni Mr. Fu ang pag-anunsyo nito sa pamamaalam muna sa radio industry. Matapos ang 15 na taon sa radyo, napagdesisyunan na nito na umalis muna sa industriya.

“labing limang taon. apat na istasyon. after 15 years on air, i have decided to take a break.”

Pinasalamatan naman ni Fu ang mga taong sumuporta sa kaniya magmula noong siya ay nagsisimula pa lang hanggang sa kasalukuyan na aalis muna ito sa nasabing industriya.

“maraming salamat sa lahat ng mga nakinig at sumuporta nung nagsisimula pa lang ako sa 91.5 energy fm, nung mapunta sa 103.5 wow fm, nung mapadpad sa 106.7 energy fm at nung mapasalang sa 91.5 win radio. (parang nag mall tour!) thank you to my loyal listeners, family and friends. (parang tumatanggap ng award ha!)”

Samantala, bagama’t hindi na mapapakinggan sa radyo, mapapanood naman sa Abante Teletabloid si Mr. Fu upang ihatid ang mga maiinit na balita at isyu sa bansa.

TELETABLOID

Follow Abante News on