WebClick Tracer

Presyo ng bulaklak sa Baguio, sumirit na

Ngayong papalipat na ang Panagbenga Festival at Valentine’s Day, sirit presyo na rin ang mga bulaklak sa Lungsod ng Baguio simula pa nitong nakaraang linggo. 

Mula P150 hanggang P200 kada dosena, nasa P350 hanggang P700 na ngayon ang roses; ang Malaysian Mums, mula P40 hanggang P60 kada dosena, nasa P100 hanggang P150 na; ang Aster, mula P35 hanggang P50 per bundle, naging P100 hanggang 150; ang Anthurium, mula P50 hanggang P70 per dozen, ngayon nasa P100 na, ayon sa isang ulat mula sa ABS-CBN News. 

Sabi rin ng mga nagtitinda sa lungsod ay kakaunti na lang umano ang suplay ng mga bulaklak na ibinebenta nila. 

Inaasahang lalo pang tataas ang presyo ng bulaklak pagdating ng Pebrero kung kailan idinaraos ng mga Pilipino ang Valentine’s Day.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on