WebClick Tracer

PBBM: Exile ng pamilya Marcos sa Hawaii, pinakamadilim na bahagi ng pamilya

Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang exile ng kanilang buong pamilya sa Hawaii noong 1986 ang pinakamadilim na bahagi ng kanilang buhay.

Sa one-on-on dialogue ng Pangulo at ni Børge Brende, Presidente ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland, sinabi nitong naging mahirap para sa kanilang pamilya ang nangyari lalo na sa kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi na aniya nakabalik sa Pilipinas ng buhay ang kaniyang ama at walang katiyakan kung makakabalik silang buong pamilya sa bansa mula sa Hawaii.

Hindi rin aniya nito naisip na maging Presidente pagbalik sa bansa dahil kapag tinatanong sina noon ay maraming “no” kaagad ang sagot nito sa hindi pa natatapos na tanong sa kaniya.

“Not as president. We were in exile for six years so we weren’t sure if we were coming back at all, physically coming back. My father never made it back. He died in Hawaii. So that was a very trying time, those were dark days for the family and I dare say even for the country,” saad ng Pangulo.

Pero pagbalik aniya nila sa Pilipinas, sila ang sentro ng politika kaya nagpasya ang kanilang pamilya na mayroon dapat magdepensa sa kanila na umayon naman dahil naging kongresista ito at nakapasok din sa politika ang kaniyang kapatid na si Senadora Imee Marcos at maging si dating unang ginang Imelda Marcos.

At dahil nakapasok na sila sa politika, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na nagtuloy-tuloy na ito hanggang mahirang siyang Presidente ng Pilipinas.

“When we were first allowed to come back, the political issue was Marcos. And for us, we, for us to defend ourselves politically, somebody had to enter politics and be in the political arena. So that at least, not only the legacy of my father but even our own survival required that somebody go into politics,” dagdag ng Pangulo.

Nangako naman ang Presidente na susuklian niya ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng mayorya ng mga Pilipino para sa mas maayos na buhay at magandang kinabukasan ng sambayanan. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on