WebClick Tracer

Parody version ng sulat ng waiter na pinahiran ni Alex, naghatid ng katatawanan sa netizens

Viral ngayon ang parody version ng sulat na inilabas ni Allan Crisostomo, ang waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga ng cake sa mukha.

Pabirong naglabas nito ang ride hailing app na Angkas, na bentang-benta sa netizens dahil gayang-gaya raw ang sulat ni Allan.

“Ok naman na pala e,” caption ng Angkas sa FB post na may 128K haha react na at 19K shares habang sinusulat ito.

“Galing talaga ng Angkas mag isip ng pakulo…hahahaha…” sey ng isang netizen.

“Give the marketing team ng increase sa sahod!!!!” sabi naman ng isa.

“Ang witty naman pero infairness hahahaha,” sambit ng isa pa. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on