WebClick Tracer

Misis nina Mariano, Ferrer ayaw patahimikin! Pau Fajardo sinita mga fan

Nakiusap si Pau Fajardo sa kanyang mga supporter na sana ay itigil na ang pangba-bash kina Kayesha Chua at MM Belarmino, ang mga misis ng tropa ni Scottie Thompson.

Nag-story sa Instagram si Kayesha, asawa ni Aljon Mariano, tungkol sa masasamang salita na natatanggap nila mula sa mga supporter ni Pau.

Ilan dito ay tinatawag silang ‘fake friends’ umano. Nag-ugat ito matapos ang hiwalayan nina Pau at Scottie.

“Pau’s supporters have been harassing, bashing & disrespecting us for more than a year now,” lahad ni Kayesha.

Tila nabuhay daw ang issue noong magkampeon muli si Scottie sa Ginebra.

“Nabubuhay kayo uli because scottie’s been doing so well & you hate that. So you look for something to hate on,” sambit ni Kayesha.

Aniya, alam daw ni Pau na sila ang naging sandigan nito noong ito ay nasa lowest point ng kanyang buhay.

Dahil dito’y nagsalita na rin si Pau at pinangaralan ang mga nangba-bash sa kanyang mga kaibigan.

“It doesn’t take much to be kind. They are my friends and they have been there for me especially when I was at my lowest,” wika ni Pau.

“They don’t deserve all the bashings and hurtful words.”

Nakiusap din siya sa kanyang mga tagahangan na mag-move on na sa issue. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on