WebClick Tracer

Mikee ipinagtanggol si Alex: ‘Sobra naman na pati pinagdaanan niya bilang babae naungkat pa’

Nagsalita na ang mister ni Alex Gonzaga kaugnay sa viral na pagpahid ng cake icing sa mukha ng isang waiter.

Inamin ni Mikee na nagkamali si Alex at humingi na ng dispensa sa naturang waiter.

“Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya,” saad ni Mikee Morada sa isang FB post.

“Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan,” dagdag niya.

Pinalagan naman ni Mikee ang mga hindi magagandang sinasabi patungkol kay Alex.

“Bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan,” saad pa ng Lipa, Batangas councilor.

Sa bandang huli ay nag-iwan siya ng mensahe para sa asawang si Alex.

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat. I love you!” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on