Patok na patok na sa mga mamimili sa Binondo ang iba’t-ibang pampaswerte ngayong papalapit na ang Chinese New Year.
Bukod sa pampaswerte ay mabenta na rin ang tikoy at iba pang Filipino-Chinese na pagkain.
Dahil malagkit ang tikoy ay pinaniniwalaang didikit sa mga kakain nito ang swerte.
Mabenta na rin ang mga Buddha figures at bilog na mga prutas na pinapaniwalaan ding magbibigay swerte ngayong Year of the Rabbit.
Pinaalalahanan naman ng Feng Shui expert na si Anthony Fugoso na gabay lamang sa buhay ang pampaswerte.
“Kung last year may giyera, baka this year pwede na mapagusapan o may makuhang diplomacy, mas magiging kalmado ang mundo. Tapos scholastic, students will benefit this year … it will be easy for them to study,” pahayag ni Anthony Fugoso.
(Jan Terence)