Ipinanganak na ni LJ Moreno ang pang-apat niyang anak kay Jimmy Alapag at ibinahagi ito sa social media sa collated behind-the-scenes videos.
“Welcome to the outside world my love. Can’t wait till you meet Kuya Ian, Ate Keona and Kuya Calen!” saad ni LJ.
Ayon sa kanya, ipinanganak niya ang kanilang baby boy na nagngangalang Cayson Amory Alapag nitong Enero 13 bandang 1:07 p.m.
“20 inches 7.14 pounds,” aniya.
“Thank You Lord for blessing us with our new bundle of joy and a safe and successful delivery.”
Ibinahagi rin ito ng dating professional basketball player na si Jimmy sa kanyang Instagram feed.
“WELCOME TO THE WORLD CAYSON AMORY ALAPAG!!!! WE LOVE YOU MY SON!!!,” saad ni Jimmy.
Hulyo 2022 nang inanusyo ni LJ na siya ay buntis.
Matatandaang lumipat sila sa ibang bansa nitong 2021.