WebClick Tracer

Isyu sa West PH Sea, palaging nasa isip ni PBBM

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang isyu sa West Philippine Sea ang palaging nasa isip nito sa araw man o sa gabi dahil sa mga hindi inaasahang mga kaganapan sa pinag-aagawang teritoryo.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa panayam sa kanya ni Børge Brende, Presidente ng World Economic Forum kung saan dumadalo ito sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Marcos, walang oras na hindi nito naiisip ang isyu sa West Philippine Sea kaya isa ito sa tinututukan ng kanyang administrasyon upang agad na makatugon sa mga lilitaw na problema.

“Keeps you up at night, keeps you up in the day, keeps you up most of the time. It’s something… It’s very dynamic. It’s constantly in flux. So you have to pay attention to it and to make sure that you are at least aware of the present situation so that you’re able to respond properly,” anang Pangulo.

Nasa frontline aniya ang Pilipinas at unang mahahagip sakaling magkaroon ng tension sa pagitan ng China at Amerika kaya nakaalerto ang gobyerno sa mga hindi inaasahang mga kaganapan.

Maganda aniya ang relasyon ng Piipinas sa dalawang nabanggit na bansa kaya ang foreign policy ng Marcos administration ay mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

“So it’s — we… In terms of let’s say cross-trade tensions, we are at the very frontline. We are at the very frontline. And so whenever these tensions increase, when the ships come out, the Chinese and their Coast Guard vessels, the Americans answer. We are watching as bystanders. If something goes wrong here, we are going to suffer,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on