WebClick Tracer

Imee: Magsasaka ng sibuyas na tumestigo sa Senado, hina-harass ng mga pulis

Isang babaeng magsasaka ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan na tumestigo sa pagdinig sa Senado kamakailan ang hina-harass diumano ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Senadora Imee Marcos.

“Hands off lang po sa mga testigo ng Senado!” sabi ni Marcos sa isang statement, patungkol kay Merly Gallardo na dumalo sa pagdinig Senate agriculture, food, and agrarian reform committee noong sa isyu na napakataas na presyo ng sibuyas.

Ayon sa senadora, nagpunta ang mga pulis sa bahay ng testigo at iba pa niyang kasamahan batay sa utos umano ng Department of the Interior and Local Government at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Natatakot na ang mga magsasaka ng sibuyas sa biglaang pagkakatok ng pulis kagabi hanggang ngayong umaga upang papirmahin ng sinumpaang salaysay na nagbabaliktad sa kanilang ibinunyag sa Senado nung Marte,” ani Marcos.

“Utos raw ng DILG at ng NTF-ELCAC: CPP- NPA ba ang turing natin sa maliliit na magsasaka sa liblib? Hands off po sa ating mga testigo, lalu’t nagsasabi ng totoo, masakit man marinig,” dagdag niya.

Ibinahagi pa ni Marcos ang litrato ng advisory mula sa DILG Pangasinan provincial office na nilagdaan ni Director Virgilio Sison na na naglalayong kumuha ng dagdag na impormasyon na may kinalaman sa napaulat pagpapakamatay ng limang magsasaka. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on