WebClick Tracer

Hidilyn Diaz nakatatak na sa Walk of Fame

Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa social media ang isa na namang karangalan na natanggap nito at ito ay ang mapasama sa Walk of Fame.

Ayon kay Diaz, hindi umano niya inaasahan na mapapasama siya rito.

“Salamat sa karangalan na ito. Di ko inakala nandito pangalan ko sa na ito sa Walk of Fame dito sa Eastwood,” saad sa caption ni Diaz.

Nakatanggap naman ng pagbati si Diaz mula sa mga netizen.

“Karapat dapat! Lagi kang inspirasyon sa napakarami!”

“Yaaaaay… Congrats Haidie! This is amazing!”

“Wow! Wonderful Hidilyn!”

Si German Moreno o ‘Kuya Germs’ ang nagbuo ng Walk of Fame noong 2005.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on