WebClick Tracer

Gitarista ng Parokya ni Edgar, nasa ICU

Nakikipaglaban para sa kanyang buhay ang guitarist ng Pinoy band Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Isiniwalat ito ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa isang FB post.

Ani Chito, na-diagnose si Gab na may lymphoma noong nakaraang taon.

Dahil dito, hindi nila makakasama si Gab sa live performance ng banda.

“Gab needs to undergo treatment, and won’t be able to play until he makes a full recovery. Gab is the heart of the band, and it doesn’t feel like Parokya kung wala sya,” ani Chito.

Saad pa ni Chito, nag-a-undergo si Gab ng chemotherapy sa nakalipas na mga buwan.

Napagdesisyunan din daw ng banda na huwag nang tumugtog sa isang gig hanggang sa maayos si Gab, pero pinakiusapan sila ng gitarista na ituloy ang pagtugtog nang live sa kabila na wala siya.

“I asked my bandmates na kung pwede, ‘wag nalang din muna kami tumugtog habang wala si Gab. Pero kinausap kami ni Gab and asked us to continue playing, because he doesn’t want us to stop playing just because we’re waiting for him to get better. So we did,” kuwento pa ni Chito.

Inilipat daw si Gab sa intensive care unit (ICU) at mahigit isang linggo nang naka-intubate dahil sa complications dulot ng kanyang kondisyon.

Nakikipaglaban daw ito ngayon sa pneumonia.

Kaya naman magsasagawa ang mga kaibigan ng Parokya ng mga fundraising gig para matulungan si Gab sa hospital bill.

“Matinding laban to for Gab… at reresbakan natin sya. Maraming salamat kay Ebe, sa Kamikazee, kay Gloc9, kay Shanti Dope, kay Flow G, sa Gracenote, sa December Ave, sa POT, sa Moonstar, at kay Moira,” sey ni Chito.

“Mahal na mahal namin kayo. Walang iwanan sa Parokya Band… sa Parokya ni Edgar,” patuloy niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on