WebClick Tracer

Caritas PH nanawagan sa gobyerno na suportahan pa ang onion farmers

Nanawagan ang Caritas Philippines, ang social action at advocacy arm ng Simbahang Katolika, na magbigay pa ng tulong at suporta sa mga magbubukid na nagtatanim ng sibuyas. 

Ito ay matapos ang pagsirit ng presyo ng sibuyas sa buong bansa na umabot na sa P700 kada kilo. 

Sa isang pahayag, hinimok ng Caritas Philippines ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang mga magbubukid na paraasin ang produksyon ng sibuyas upang bumaba ang presyuhan nito sa merkado. 

“The government should provide financial incentives or subsidies to help our farmers grow more onions and lower the cost of production,” saad ni president Bishop Jose Colin Bagaforo.

“This will make them more competitive with producers from other countries, who are already receiving large subsidies and other forms of support from their government,” dagdag pa ng obispo. 

Bukod pa sa pinansyal na suporta, hinimok din ng grupo ang DA na tulungan ang mga magbubukid na ayusin at pagyamanin pa ang “onion farming infrastructures” sa bansa. 

“Another thing that can be looked into is infrastructural investments that would improve the productivity and efficiency of onion farms,” ani Bagaforo. 

“More cold storage facilities should be established to lessen the cost surplus of our farmers and meet the rising demand for agricultural products in the market,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on