WebClick Tracer

BBM aral sa pagiging Presidente mula sa kanyang ama

Hindi na nahirapang mag-adjust si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagiging Presidente dahil sa mga nakita at natutunan nito mula sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa one-on-one dialogue nila ni Børge Brende, ang Pangulo ng World Economic Forum kung saan dumadalo ito sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., may bentahe aniya ang pagiging Presidente ng kanyang ama noon dahil nakita nito kung paano pangasiwaan at patakbuhin ang bansa noong kapanahunan nito at nagkaroon na ito ng ideya kung ano ang mga aasahan sa pagiging lider ng bansa.

“Pretty much as expected. I have the advantage of having spent years watching my father being president. So I had a very good idea of what it entailed,” anang Pangulo.

Ang kaibahan na lamang aniya noon at ngayon ay ang pagharap sa mga hamon na dala ng kasalukuyang panahon at mayroon ng mga pamantayan o modelo na kanyang susundin sa pangangasiwa at pagpapatakbo sa gobyerno.

“Now, of course, it’s different from a son watching his dad doing his job as the you, yourself doing that job. So it’s like I’m in the same setting but playing a different role. But at least I know what needs to be done and I have a fair idea how it used to be done anyway. And so I have models that I can follow, templates that I can follow,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang isa lamang sa kaibahan ngayong kasalukuyang panahon kumpara noong 1970s ay ang social media na wala noong panahon ng kanyang ama.

Malaking puwersa aniya ngayon ang social media hindi lamang sa impluwensiya nito sa pulitika kundi sa lahat ng aspeto dahil sa teknolohiya.

“No social media. Yes, that’s actually in politics, I think all around the world, not only in the Philippines. Suddenly, social media has become such an enormous force, not only in politics but in all other walks of life. So yes, that is the new feature,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on