WebClick Tracer

Batang lalaki binaril ang kalaro matapos matalo sa video game

Binaril ng 10 taong gulang na batang lalaki ang kaniyang kalaro matapos matalo ito sa isang video game sa Mexico.

Kinuha ng batang lalaki ang baril sa kanilang tahanan at binaril ito sa 11 taong gulang na kalaro sa sobrang galit dahil natalo sa video game.

Agad namang tumakas ang pamilya ng batang namaril.

“All I ask is that you help me to achieve justice,” pahayag ng ina ng biktima.

“My son died because the parents of the child who killed my son were irresponsible leaving a gun on the table,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on