WebClick Tracer

Anak ni Ronald dela Rosa, anim pang iba nireskyu sa nasirang barko

Ayon sa Philippine National Police Maritime Group, pitong katao – kasama na ang anak na babae ni Senador Ronald dela Rosa – ay nireskyu nitong Lunes ng kapulisan mula sa nasirang barko sa Samal City sa Davao del Norte.

Island hopping sa Island Garden City sana ang mangyayari nang masira ang kanilang sinasakyang barko.

Sa isang ulat, nagkaroon ng “engine failure” ang barko dahil umano sa malalaking alon.

Nakatanggap naman agad ang Regional Maritime Unit Operations Section ng tawag sa telepono mula sa Police Security and Protection Group personnel na ireksyu ang mga stranded sa barko.

Wala naman umanong galos o sugat ang mga taong nireskyu sa nabanggit na nasirang barko.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on