WebClick Tracer

1.6 milyon na katao naapektuhan ng pagbaha – OCD

Pumalo na sa 1.6 milyon na katao ang naapektuhan ng pagbaha, ito ay ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Ang nasabing bilang ay mula sa 13 rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western, Central, at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at ang Bangsamoro Region.

Umakyat naman na sa 33 ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa ‘Pinas dulot ng low-pressure areas (LPA) at ng shear line.

Nag-iwan naman ng 12 na sugatan at pitong indibidwal na nawawala dahil sa pagbaha.

Samantala, nasa 14 naman na lungsod at mga bayan ang nasa ilalim ng state of calamity.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on