WebClick Tracer

Tikoy at pampaswerte, sumirit na ang presyo 

Nagtataasan na ngayon ang presyo ng tikoy  at iba’t-ibang pampaswerte ngayong paparating na ang pagdiriwang ng Chinese New Year. 

Tumaas din umano ang presyo ng tikoy dulot ng pagtaas ng presyo ng asukal. 

Mula sa dating P100 para sa tatlo na kalahating kilo ng tikoy, naging P80 ang kada piraso. Halagang P150 na ngayon ang isang kilo na dating P70, at P280 na ang dalawang kilo na P190 noon, ayon sa ulat mula sa GMA News. 

Nagkakahalaga naman ng P150 ang pampaswerte na pinyang pinaikutan ng dalanghita. Ang gabi naman na tila may mga anak o buklod buklod na pamilya, nasa halagang P150 hanggang P500. Mabibili sa halagang P400 ang malaking pinya na dinikitan ng maliliit na pinya sa gilid, dagdag pa sa ulat. 

Samantala, ang pagtaas ng mga presyo ngayon ng tikoy at iba pang rekados ay nagpapaaray sa mga tindero ng Binondo.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on