WebClick Tracer

PPA: CRMS malaki ang benepisyo sa logistics cost

Nanawagan si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na bigyan ng tsansa ang Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS).

Aniya, malaki ang benepisyo ng TOP-CRMS laban sa mataas na unregulated charges sa logistics cost tulad ng container deposit at sa mga nawawalang empty container.

Ang TOP-CRMS ay parte ng inisyatibo ng PPA alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na ipatupad ang digitalization sa mga transaksyon ng pamahalaan para sa mas magandang serbisyo sa publiko.

Dagdag ni Santiago, kaya nila ipinakilala ang TOP-CRMS ay para sa pagiging fair at para sa mas mababang gastos ng mga kababayan.

Sa ilalim ng TOP-CRMS, tanging container deposit insurance at monitoring fee na nagkakahalaga ng P980, at P3,408 na empty container handling service fee ang dapat bayaran ng mga importer kumpara sa halos P30,000 container deposit sa nakagawiang sistema.

Positibo naman ang tugon ng Confederation of Truckers Association of the Philippines sa implementasyon ng TOP-CRMS sa isinagawang Truckers Summit noong January 16, 2023.

“Kung talagang mangyayari ‘yang ganyan na magkakaroon ng kaluwagan sa operation, magkakaroon ng bawas sa gastos, well ‘yung sinasabi nating this is against with the ease of doing business kung makakabilis tayong makakapasok sa port, mabilis tayong makakalabas, mabilis tayong makakasauli, makakagawa uli ng panibagong biyahe, I think doon natin mapapasubalian ‘yung sinasabing magiging sagabal sa ease of doing business,” pahayag ng presidente nitong si Mary Zapata.

Ayon kay GM Santiago, two-way communication ang solusyon para maipaliwanag sa mga tumututol sa TOP-CRMS ang importansya nito lalo na sa panahon ngayon ng digitalization.

TELETABLOID

Follow Abante News on