WebClick Tracer

OFW lounge itatayo sa NAIA

Senado

Natukoy na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lugar kung saan maaaring itayo ang lounge para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa briefing ng House Committee on Transportation ngayong Miyerkoles, sinabi ni MIAA Cesar Chiong na nakipagpulong ang kaniyang ahensya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos ang isinagawang pagdinig ng komite noong Enero 10.

“We have identified an area already,” sabi ni Chiong. “That’s good news…. to the OFWs who will be stranded or who will be waiting for their flights. Especially for those passengers that will come in the evening and will have to connect for their domestic connecting flights the following morning.”

Ayon kay Chiong, ang lugar na natukoy ay malapit sa government center na nasa kaliwang bahagi ng NAIA terminal 3. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on