WebClick Tracer

Naging suki na? Ja Morant madalas sumailalim sa drug test

Ibinuking ni Memphis Grizzlies star Ja Morant na madalas itong sumailalim sa drug test. Ito ay inihayag niya sa pamamagitan ng isang post sa social media.

Ayon kay Morant, ilang beses na siyang sumasailalim sa drug test ngayong season.

“been drug tested like 6 times this season . walked in the arena & found out i got another one today”

Mukhang pati ang NBA ay duda na rin sa nakakamanghang talento na ipinapakita ni Morant sa kada laro. Paano ba naman kasi ay kada laro ng Grizzlies ay tila ‘sinasapian’ si Morant at nagiging halimaw sa court, kada laro nito ay paniguradong may highlights na talaga namang luluwa ang iyong mga mata, kung hindi matinding butata ay mayroon itong nakakahilong crossover o kaya naman ay bastusan na slam dunk.

Narito naman ang sey ng mga netizen hinggil sa rebelasyon na ito ni Morant.

“What drugs do they actually think you can take for basketball. That’s the crazy thing. This is skill!”

“When you balling they think you on them roids.. idk why the nba and Nfl like that”

“Dear @NBA @JaMorant is just really good.. what are you hoping to catch him with? At least be transparent about it..” (CS)

Ja Morant on Twitter: “been drug tested like 6 times this season . walked in the arena & found out i got another one today 😂🙄😒” / Twitter

TELETABLOID

Follow Abante News on