Ibinida ni dating Vice President Leni Robredo ang P50 kada kilo ng sibuyas sa Chile.
Sa Instagram Story, ibinahagi ni Robredo ang screenshot ng chat group ng kanilang pamilya, kung saan nagpadala ang anak niyang si Tricia ng litrato ng malalaking sibuyas mula sa Chile na nagkakahalaga lamang ng P50 per kilo.
“Tricia shared this in our Family GC, from Santiago, Chile,” caption ni Robredo sa screenshot.
Magugunitang sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura na posibleng bumaba ang mga presyo ng sibuyas sa Pilipinas ng hanggang P120 kada kilo sa Pebrero.
Ayon kay SINAG president Rosendo So, bunsod na rin ito ng inaasahang pag-aani ng humigit-kumulang 20,000 metriko tonelada ng sibuyas ng mga lokal na magsasaka sa susunod na buwan. (IS)
