WebClick Tracer

Kris Lawrence sinabing ‘normal’ lang sa birthday pamamahid ng cake

Kris Lawrence

Binanatan ng netizens ang singer na si Kris Lawrence matapos sabihing “normal” lang ang ginawa ni Alex Gonzaga na pamamahid ng cake icing sa mukha ng isang waiter.

“So now its bad to put cake on someone’s face during a birthday? I thought that was a normal thing,” sey ni Kris sa isang Instagram Story.

Humakot ito ng mga reaksyon mula sa online community, ang ilan ay binanatan ang singer.

@nbg27: “Normal kung sa kilala mo gagawin un. Normal kung sa kaibigan mo gagawin un. Abnormal un and abnormal gagawa nun kung lalagyan mo ng cake sa mukha ung nagtatrabahong server na di mo kaclose at di mo kilala. Punta ka dito lagyan ko ng cake mukha mo. Normal pala eh.”

@otcenta: “Hayaan mo Kris, pag nakita kita, papahiran kita ng cake sa mukha coz it’s just a normal thing, right? Don’t u worry, I’ll do that on ur bday or mine. Fingers crossed to meet you on those days.”

@biancy05: “Kung hindi mo kilala or kahit friend mo pa ang ipprank or lolokohin mo wag ng subukan kung d maganda yung gagawin. Hindi lahat ng trip mo trip din ng iba. Tska kung tunay yang kaibigan mo sasabihin kung tama o mali yang ginagawa mo. Opinyon ko lang to.”

Binigyang-linaw na ng kampo ni Alex ang viral birthday video ng actress-TV host.

Inilabas ni Peter Ledesma, isang showbiz columnist at longtime publicist friend ng Gonzaga family, ang panig ni Mommy Pinty.

Ayon sa kanya, ang waiter na pinahiran ng cake ni Alex ay matagal nang kaibigan ni Mommy Pinty at ng Soriano family.

“May I clear the issue regarding Alex Gonzaga[‘s] viral birthday video and the waiter, Allan.

“This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages,” paliwanag ni Ledesma.

Sa kalagitnaan ng kanyang pahayag, sinabi ni Ledesma na si Allan ang madalas na nagsisilbi kina Mommy Pinty at Alex. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on