WebClick Tracer

Iya Villania, Drew Arellano gagawa ng Baby No. 5?

Tinukso nina Iya Villania at Drew Arellano ang kanilang followers tungkol sa pagkakaroon ng Baby Number 5!

Sa Instagram, usap-usapan ang dalawang video na ibinahagi ni Iya.

Maririnig sa first version ang pag-dub ni Iya sa ilang linya mula sa “Ocean’s Eleven” movie.

“Do you think we need one more?” tanong kunyari ni Iya kay Drew.

“All right, we’ll get one more,” dagdag niya.

Sa second version, si Drew naman ang nag-dub sa linya, kung saan tuwang-tuwa si Iya.

Nilinaw naman ni Iya na hindi siya preggy.

“Relax guys! There’s nothing in the oven ah! but seriously, these kids are addicting!!!” sey niya.

Ikinasal sina Iya and Drew noong 2014. May apat na silang tsikiting, sina Primo, Leon, Alana, at Astro. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on