WebClick Tracer

Cybersecurity system sa Pinas, isinusulong na – PBBM

Isinusulong na ng Pilipinas ang pagtatatag ng cybersecurity system upang maprotektahan ang mga sensitibong imposmasyon ng gobyerno pati na ng mamamayan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa open forum ng dinadaluhang World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon sa Pangulo, ikinakasa na ng kanyang administrasyon ang pagtatatag ng cybersecurity system bilang bahagi ng isinusulong na diigitalization ng mga ahensiya ng gobyerno.

“The security has become a huge issue… that’s what we are trying to design now, a cybersecurity system for this sensitive information,” anang Pangulo.

Aminado si Pangulong Marcos Jr. na mabagal pa rin ang internet sa Pilipinas kaya naman kumilos na ang gobyerno para ilarga ang mga programa na magpapabilis ng connectivity sa buong bansa.

Bukas din aniya ang gobyerno sa ano mang tulong ng ibang bansa para mapalakas ang mga inisyatiba sa digitalization.

“The connectivity in the Philippines is still pretty low. And it’s unfortunate because some of the studies we’ve made, the general consumer, if you want to call them that, talks to every facet of their lives through the internet, except for government,” dagdag ng Pangulo.

Binubuo na aniya ang databases ng nga ahensiya para sa digitalization ,kasama na dito ang digitalization ng National Identification (ID) system para sa public at private transactions.

“And that’s where we are right now: forming the databases for government, forming the databases that can be used by the national ID, [and] establishing it now,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on