WebClick Tracer

Cristy Fermin sinermunan si Alex Gonzaga: ‘Wala ka pa ring pinagkatandaan’

Nag-react din ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa viral video ni Alex Gonzaga.

Sa viral video, makikita ang pamamahid ni Alex ng cake icing sa noo ng waiter na nangyari sa 35th birthday celebration niya.

Maraming netizens ang nagalit at nabastusan sa ginawang iyon ni Alex, ngunit depensa ng kampo ng actress-TV host, kaibigan ng pamilya ang waiter na pinahiran ng cake.

Sa “Cristy Ferminute”, sinabi ni Cristy na marahil ay may paniwala si Alex na naaaliw ang mga tao sa kanyang ginagawa sa kanyang vlog.

“Hindi pupuwede nating ginagawang laro ang buhay, Alex. Hindi lahat makikisakay sa laro mo. 35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan. ‘Yun lang ‘yun. 35 years old ganyan, ganyan ang kilos. Hindi tama ‘yan,” saad ni Cristy.

“Akala kasi niya, aliw na aliw sa kanya ang lahat ng nanonood ng vlog niya. Hindi… wala lang sigurong masabi. Nung una kinatutuwaan siya pero ngayon, kinatutuwaan pa ba siya ngayon? Hindi na, malaki na ang pagkakaiba. ‘Yun ang malinaw dun.

“Habang tumatagal ang panahon, habang tayo’y nagkakaedad, dapat ay iniipon natin, pinupulot natin ang mga leksyon ng buhay na ating nadadaanan,” patuloy niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on