WebClick Tracer

Circuit breaker na sanhi ng air traffic shutdown pinagpasa-pasahan

Circuit Breaker

Pinagpasa-pasahan ng mga ahensya ng gobyerno ang circuit breaker na itinuturing na sanhi ng air traffic shutdown noong Enero 1.

Sa briefing ng House Committee on Transportation, nagtanong ang chairperson na si Antipolo City Rep. Romeo Acop sa kakayanan ng mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng forensic examination sa circuit breaker.

Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Tamayo na ang circuit breaker ay ipinasa nila sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

“CICC do we have the capability to conduct forensic examination on the circuit breaker?…. yes or no?” tanong ni Acop.

Inamin naman ni Usec. Alexander Ramos, Executive Director ng CICC na walang kakayanan ang ahensya.

“Eh bakit ganon? How can we have a result when we refer something to somebody who is not capable of doing it,” tanong pa ni Acop.

Sinabi ni Ramos na ang circuit breaker ay ipinasa ng CICC sa Bureau of Fire Protection (BFP) “which has been trained to do analysis investigation on electrical and fire causes.”

Sumunod na tanong ni Acop ay kung alam ni Ramos kung ang BFP ay mayroong electronics o electrical engineers.

“We assume they have,” sagot ni Ramos.

Sagot naman ni Acop, “you assume. Napakahirap po yun marami na pong nadisgrasya dahil sa word na assumption, you assume.”

“Because they are the competent authority your honor,” sabi naman ni Ramos.

Hindi naman kumbinsido si Acop. “Are you sure? I have been with the police force for most of my life I did not know that the BFP has that capability. They can investigate the cause of fire but can they conduct a forensic examination. Are you knowledgeable of what you are talking about?”

“Yes sir” naman ang sagot ni Ramos.

“And you’re assuming. A person who knows something about any issue ay hindi siya naga-assume. Deretso po siya kung sumagot,” giit naman ni Acop.

Sa huli ay sinabi ni Ramos na makikipag-ugnayan ito sa BFP upang malaman kung sila ay mayroong kakayanan kaugnay ng ipinasusuring circuit breaker. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on