WebClick Tracer

Walang naipanalong kaso ng OFW, DFA opisyal ginisa ng mga senador

dfa

Sinita ng mga senador ang isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng walang naipanalong mga kaso ng mga Pinoy na nahaharap sa kasong kriminal sa ibang bansa mula Enero hanggang Hunyo ng nagdaan taon.

Sa pagdinig ng Senate committee on migrant workers, ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang ulat ng DFA na nagpapakita ng zero acquittals habang 1,278 indibidwal naman ang nahatulang makulong sa unang bahagi ng 2022.

Inamin ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na walang masyadong naitalang ‘acquittal’ sa mga kaso ng OFWs noong 2022.

“Off hand, I hope kasi I was not undersecretary then, we don’t get a lot of acquittals. That’s the fact,” sabi ni De Vega.

“Usually, a maximum maybe less than a dozen a year, maybe. Kasi ang nangyayari diyan, most of time, ang nangyayari, nase-settle, hindi na dumederetso pa sa kaso,” paliwanag niya.

Pero giit ni Villanueva, hindi ito katanggap-tanggap.

“This is not acceptable. These are facts. These are figures that we have on our hand. We wanted to find out ilan ‘yung na-acquit? Kung walang na-a-acquit, what the hell are we doing here? Tanong ni Villanueva.

Hinala naman ni Senador Raffy Tulfo, chairperson ng komite, mahina ang abogadong nakuha ng DFA kay nagkakaroon ng zero acquittal.

“[Baka] mahina ‘yung mga abogadong nakuha ng ating DFA na para idepensa ‘yung ating mga Filipino nationals na may problema sa abroad,” anu Tulfo.

Pero giit ni De Vega, mas mabuti na umanong may abogadong mahina kesa walang legal na kinatawan ang nakakasuhang OFW.

Binara naman siya ni Tulfo: “Don’t say that kaysa wala. So, dapat po talagang kailangan na kailangan na magkaroon ng legal assistance ang sinumang,” ani Tulfo. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on