WebClick Tracer

Tulfo: Mga holiday gunitain tuwing Lunes 

Naghain si Senador Raffy Tulfo ng panukalang batas na naglalayong mapalakas ang domestic tourism at maisulong ang work-life-balance para sa mga estudyante at empleyado.

Inihain ni Tulfo ang Senate Bill (SB) No. 1651 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) No. 9492 na nagpapahintulot sa ilang mga holidays na gunitain tuwing Lunes kapag ito ay pumatak ng weekends.

Sa kasalukuyan, may 18 national holidays taon-taon ang Pilipinas at apat dito ay special non-working holidays.

“These aforementioned days may at times fall on a weekend making them feel less celebratory for individuals,” ayon sa explanatory note ng panukala.

“Additionally, the increase in the number of long weekends can help reduce stress, prevent burnout, and promote work-life balance for both employees and students by allowing them to decompress and spend time with their family and friends,” dagdag pa doon.

Sa ilalim ng nasabing bill, kung ang holiday ay pumatak ng Sabado o Linggo, ito ay gugunitain sa susunod na Lunes.

Iminungkahi ni Tulfo na sa ilalim ng panukalang batas, dapat maglabas ang Pangulo ng proklamasyon sa unang Lunes ng Disyembre ng mga petsa na idedeklara bilang non-working holidays para sa susunod na taon.

Matatandaang na ang ‘Holiday Economics’ ay ginawang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng Republic Act 9492, na naglipat ng regular at special holidays sa pinakamalapit na Lunes upang palakasin ang domestic tourism.

Nakansela ang naturang practice noong term ni late President Benigno Aquino III sa pamamagitan ng Proclamation 84. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on