WebClick Tracer

PBBM: ASEAN at APEC members neutral sa geopolitical tension

Neutral at walang pinapanigan ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa tensiyon na nangyayari ngayon sa ilang mga bansa sa mundo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa luncheon na ibinigay ng kaniyang economic team at mga chief executive officer ng Pilipinas sa Davos, Switzerland.

Sinabi ng Pangulo na bagama’t may pressure sa mga bansa sa Asya para kumampi sa isang bansang may tensyon, nanindigan aniya ang mga bansa sa Asia-Pacific region na umiwas sa cold war mentality.

“I think we are determined as a group in ASEAN and in the Indo-Pacific, those around the Indo-Pacific, despite all of this conflict we are determined to stay away from that,” saad ng Pangulo.

Bawat bansa aniya sa Asya Pasipiko ay may kakayahang tumayo at gumuhit ng sariling tadhana ng hindi kailangang nakasandal sa ibang bansa para makabangon sa mga pinagdadaanang krisis tulad ng COVID-19 pandemic.

“And simply because we are anchored in the idea that the future of the Indo-Pacific, the future of Asia-Pacific for example cannot be determined by any one but the countries of the Asia-Pacific and that removes us immediately from that idea that you must choose. We choose our friends. We choose our neighbors, that’s the choice that we have made,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na mahalagang mapalakas ng bawat bansa ang kanilang ekonomiya upang makayang harapin ang mga darating pang pagsubok sa mundo.

Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng maayos na mga polisiya, gaya aniya ng Pilipinas na nakaangkla sa mga lehislasyon upang makapag-adjust sa mas magandang ekonomiya tungo sa globalisasyon.

“I think the tendency after things have settled, after countries such as the Philippines have put in place the elements of policy, the elements of legislation that are necessary to be able to adjust to what is the new coming economy, once that is in place, I think that the globalization will start — we will start to return to the tendency of globalization. I think it is inevitable,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on