WebClick Tracer

Pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay, hahanapan ng bahay ni Whamos

Viral ang emosyonal na pagbisita ni Whamos Cruz sa isang pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay.

Mayroon na itong 12 million views, 1.1M likes at 72,000 comment sa Facebook page ni Whamos.

Humanga ang mga netizen sa kabutihan ng digital creator.

Dinalhan niya ng makakain at binigyan ng pera ang pamilya na nasa ilalim ng tulay sa Cavite.

Nangako rin siyang hahanapan ang mga ito ng bagong tahanan.

Sagot din daw ni Whamos ang isang taon na upa ng pamilya, na may tatlong anak.

Ani Whamos, nakita raw niya ang kalagayan ng pamilya sa TikTok.

“Hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari sa kanila na hindi maganda lalo na sa ilalim pa sila ng tulay nakatira kaya pupuntahan natin sila para tulungan,” saad ni Whamos. (IS)

PANOORIN: https://www.facebook.com/Masterwhamos/videos/570833921212280/

TELETABLOID

Follow Abante News on