WebClick Tracer

Niratrat na bangkay, tumambad sa highway

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng pamamaril ang itinapon sa gilid ng highway sa Eco Tourism Road, Sitio Bagong Pook, Brgy. Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon nitong Martes ng umaga.

Nadiskubre ng mga nagpapatrolyang pulis sakay ng police mobile car ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa damuhan sa gilid ng highway dakong alas-6:45 ng umaga.

Ayon sa report ng Sariaya police, malaki ang posibilidad na itinapon lamang sa lugar ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon.

Walang anumang nakitang piraso ng ebidensya sa lugar o mga basyo ng bala bagamat tadtad ito ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Tinatayang may edad na 40 hanggang 45 ang biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan dito. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on