WebClick Tracer

Makagago inokray si Alex Gonzaga: ‘Magsasabi na ‘yan ng Bible verses’

Nag-react din ang vlogger na si Makagago o Mark Jayson Warnakulahewa sa viral cake issue ni Alex Gonzaga.

Trending si Alex matapos mabastusan ang ilang netizen sa ginawa niyang pamamahid ng cake sa isang waiter sa celebration ng kanyang 35th birthday.

Naniniwala raw si Makagago na magsasabi na si Alex ng mga Bible verse upang magpaawa.

“Maniwala din kayo sa akin na magsasabi na ‘yan ng kung ano-anong klaseng mga Bible verses… kasi siyempre kapag nagpapaawa ka dapat may Bible verse kaagad, para click sa social media,” saad ni Makagago sa isang video sa YouTube. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on