WebClick Tracer

LeBron walang kupas! Lakers tinanggalan ng gasolina ang Rockets

Nakapulot na ng panalo ang Los Angeles Lakers laban sa bagitong koponan na Houston Rockets, 140-132.

Matapos ang sunod-sunod na talo sa iba’t ibang dikit na laban, hindi na hinayaan ng Lakers na muling makalusot sa kanila ang isa pang koponan at sinelyuhan na ang panalo. Sa simula pa lang ay hindi na pinaandar ng koponan ang Rockets at pinangunahan na ito ng alon ng opensiba.

Muling nanguna si LeBron James sa opensiba ng Lakers at nagtala ng 48 puntos, siyam na assists at walong rebounds. Hindi lang si James ang nagpasikat sa kanilang panalo, bumawi rin si Russell Westbrook sa tila patalo nitong tira noong nakaraang laro at may ambag ngayon na 24 puntos.

Bukod kay Westbrook at James, umalalay din si Kendrick Nunn at may naitalang 15 puntos.

Ang susunod na tatlong laro ng Lakers ay laban sa koponan ng Sacramento Kings, Memphis Grizzlies at Portland Trail Blazers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on