WebClick Tracer

Chris McCullough babawiin ang korona sa Ginebra

May hirit si dating San Miguel Beermen import Chris McCullough kay Christian Standhardinger at sa Barangay Ginebra.

Sa kanyang Twitter account, binati ng ex-Brooklyn Nets forward si Standhardinger matapos tanghaling Finals MVP sa katatapos lang na PBA Commissioner’s Cup kung saan pinabagsak ng Gin Kings ang guest team na Bay Area Dragons sa Game 7 ng Finals.

“Much deserved brother,” saad ni McCullough.

Pero nangako siyang magbabalik sa PBA at babawiin ang korona sa Ginebra.

“But I’m coming back commissioners cup to take the crown back,” ani McCullough.

Tinulungan ni McCullough ang Beermen na maging kampeon sa PBA Commissioner’s Cup noong 2019 laban sa liyamadong TNT Tropang Giga dahil kay Best Import Terrence Jones.

Naging mag-teammate noon sina McCullough at Standhardinger sa SMB. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on